Bakit nga ba nahuhumaling ang mga atleta sa pulitika? At, higit sa lahat, bakit natin sila binoboto?
Marahil, iniisip nilang sikat sila dahil napanood sila sa telebisyon. May mga pananaliksik na naglantad sa impormasyong mas malapit ang masa sa mga napapanood nila sa telebisyon kaysa sa pelikula.
And una ay nasa loob ng kanilang tahanan; ang huli ay tinitingala sa kadiliman ng sinehan.
Kabilang dito ang mga atleta, lalo na mga basketbolista.
Sa isang dako, masasabing may narating na sila sa napiling propesyon.
Subalit, ibig bang sabihin ay kaya nila ang kahit anong larangan?
At balikan din natin ang mga nakaraan. Sino bang atleta ang nakatamo ng katanyagan sa pulitika?
Ang naaalala ng inyong lingkod ay ang yumaong Sen. Ambrosio Padilla.
Nagsimula siya sa baseball, at naging kapitan ng kauna-unahang Olympic team ng Pilipinas sa basketball noong 1936.
Mainam sanang pag-aralan ng mabuti ang pinag-ugatan ng kanilang katanyagan.
Walang masama sa pagiging magaling na atleta.
Pero tama ba na ang tao, mukha o personalidad na napapanood sa TV ay maghari sa pamahalaan?
Kung ang pamahalaan ay pamumunuan ng mga walang karapatan na ang tanging kasikatan ay nagmula sa sports o showbiz?
Paano na?
Nagtatanong lang naman.