^

PSN Palaro

Natikman na rin ni Rich ang maging PBA Player

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Natikman na rin ni Richie Alvarez kung paano maging PBA player. Hindi pa lang niya natitikman ang maging isang PBA winner. Hanggang ngayon, wala pang panalo ang Shell.
* * *
Birthday ni Sen. Robert Jaworski sa Marso 8.

May pakulo si Rellie de Leon para sa kanya at yan ang ‘Kalikasan funbike na gaganapin sa March 7. Lagpas isang libo na ang nagpaparehistro. Darating ang Viva Hotbabes at siyempre si Jawo ay darating din para makisaya.

Para dun sa mga gusto pang humabol at magparehistro, tawagan lang si Rellie sa 0917-6250102.
* * *
Grabe naman ang ginagawang ratsada ng Barangay Ginebra.

Kapag hindi nagbago ang magandang nilalaro na yan ng mga bata ni coach Allan Caidic, makatitiyak na tayong makararating yan sa finals, isang bagay na pinakamimithi ng mga basketball fans.

Hangga’t nanalo ang Ginebra, malamang na buhay na buhay din sa takilya ang PBA.
* * *
Kawawa naman ang PBA player na ito.

Wala na siyang team ngayon. Parang kailan lang nung nakapaglaro siya sa isang PBA team. Pero this year, hindi na siya nakuha.

Sabi naman ng isang nakakakilala sa kanya, "Karma niya lang ‘yan. Nung makarating siya sa PBA, nakalimutan niya ang mga taong nakatulong sa kanya. Ang dami niyang bonus na natanggap sa PBA team niya pero hindi siya naka-alalang magpadala kahit ano sa mga dating handlers niya.

Amen!
* * *
Nakuha na ni Alvin Patrimonio ang isa sa career achievement niya at ito ay ang 15,000 career points sa laban nila kontra sa Ginebra. At isusunod naman niya ang may pinakamaraming assist sa kanilang out-of-town game sa GenSan.

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

BARANGAY GINEBRA

CENTER

GINEBRA

NIYA

PBA

RELLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with