^

PSN Palaro

Dalisay kontra Oclos sa PPBL

-
Ang paghahanap para sa susunod na Filipino junior bantamweight boxing champion ay magbabalik-aksiyon ngayong gabi sa pagpapatuloy ng Philippine Pro-Boxing League (PPBL) elimination stage sa IBC-13.

At bilang main event ngayong gabi, tampok ang dalawang rated box-ers na sina Robert ‘Ring Matador’ Dalisay at Bernard ‘The Octagon’ Oclos. Inaasahan ng mga taga-subaybay na magiging mainit ang bakbakan nina Dalisay at Oclos.

Si Dalisay na nasa pangangalaga ng ALJO Jaro Stable ng Binangonan Rizal, ay may 26 ng professional fights habang si Oclos naman na nagsasanay sa ilalim ng Gennel Contayoso Stable sa Kidapawan City ay may kabuuang 15 laban na may 11 panalo at 2 talo.

Ang magwawagi ay aabante sa quarterfinals na isang hakbang patu-ngo sa pagiging PPBL Junior Bantamweight Champion. Ang PPBL ay gagamit ng stepladder format kung saan kailangan ng mga boxers na manalo at makaligtas para makaabante sa susunod na round.

Ang PPBL ay produksiyon ng I-Sports TV at IBC-13 na ipinapalabas tuwing Miyerkules, mula alas-9-10 ng gabi sa pagtataguyod ng Tan-duay at energy-drink Lactovitale.

BINANGONAN RIZAL

DALISAY

GENNEL CONTAYOSO STABLE

JARO STABLE

JUNIOR BANTAMWEIGHT CHAMPION

KIDAPAWAN CITY

OCLOS

PHILIPPINE PRO-BOXING LEAGUE

RING MATADOR

SI DALISAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with