^

PSN Palaro

Nestea Beach Volleyball:St.Benilde,Letran,UB umusad sa quarterfinals

-
Nakasiguro ang College of St. Benilde, Letran College at University of Baguio ng slot sa quarterfinals ng women’s division sa pagpapatuloy ng Luzon eliminations sa 2004 Nestea Beach Volleyball kahapon na ginaganap sa sand-court sa loob ng Rockwell.

Unang pumasok sa quarterfinals ang College of St. Benilde na binubuo nina Raquel Ordonez at Ivy Mores matapos mamayani laban sa St. Louis University, 21-8.

Sinundan ito ng Letran duo nina Cathlea Villaluz at Gene-lyn Alemanya nang kanilang pasadsarin ang Adamson University, 21-16.

Pinarisan naman ito ng UB tandem nina Ma. Kristina Enola at Madonna Rimando nang kanilang pasadsarin ang San Sebastian College-Cavite, 21-15.

Bunga ng pare-parehong 3-0 win-loss slate at 6-0 sand points ng St. Benilde, Letran at UB, nakakasiguro na ang mga ito sa Boracay finals sa Abril 14-16 kasama ang mga top-four qualifiers ng men’s at women’s division mula sa Visayas at Mindanao eliminations na gaganapin sa Cebu sa March 12-14.

Sa men’s division, kinulekta naman ng defending champion San Sebastian Manila ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos igupo ang UB, 21-15 para sa perfect na 4-sand points.

Ang iba pang nakadalawang sunod na panalo ay ang Far Eastern University na nanalo sa Bulacan State University, 21-6, University of the Philippines na nanaig kontra sa Ateneo de Naga at St. Benilde na nanalo sa San Beda College, 21-12.

Isang slot na lamang ang natitira sa women’s division para sa Boracay trip habang ngayon mababatid ang apat na finalist sa men’s category.

ADAMSON UNIVERSITY

BORACAY

BULACAN STATE UNIVERSITY

CATHLEA VILLALUZ

COLLEGE OF ST. BENILDE

FAR EASTERN UNIVERSITY

IVY MORES

KRISTINA ENOLA

LETRAN

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with