SINONG DAKILA?
February 29, 2004 | 12:00am
Ano? Hindi si Michael Jordan ang pinakamagaling na manlalaro sa kasaysayan ng basketbol? Pangatlo lang siya? At hindi makatotohanan ang ginawang paghirang ng NBA sa 50 nitong pinakamahusay? Talaga?
Iyan din ang naging reaksyon ko nang mabasa ko ang isang mabigat na aklat na puno ng pananaliksik sa basketbol mula pa noong simula nito.
Ang may-akda ay si Elliot Kalb, at may karapatan siyang magsalita. Si Kalb ay naging statistician ng ESPN at ABC ng mahigit dalawang dekada, at naging saksi sa daan-daang NBA playoffs.
Siya ang taga-bigay ng impormasyon sa mga tanyag na anawnser tulad ni Bob Costas, Marv Albert, Bill Walton, Doug Collins, at marami pang iba.
Kung may kailangan silang malaman, si Kalb ang tinata-nong.
Paano niya nasabing hindi si Jordan ang pinakamagaling na basketbolista sa pangkalahatan?
Una, binilang niya ang dami ng MVP. Hinalo niya ang dami ng beses na nasama sa top ten, All-NBA at champion-ships na napagwagihan.
Inihahambing din niya ang magkaka-pareho ng posisyon, panahon at estilo.
Ang nakabibigla ay di lamang niya binibilang ang mga kampeonato, kundi pati ang mga pagkakataong natalo lamang ng Game 7, o kayay masama ang nilaro ng mga kakampi. Halimbawa nito ay si Wilt Chamberlain.
Ayon kay Kalb, bagamat dadalawa ang kampeonatong nakuha ng higante, madali sanang naging lima kung naipanalo ng kanyang mga koponan ang tatlong Game 7 na kanilang nailaro.
Kasama rin sa timpla niya ang mga opinyon ng mahigit tatlumpung eksperto at retiradong manlalaro, coach, reporter at anawnser. Karamihan ay nakapanood o naging kakampi ng halos lahat ng mga nakalista.
Marami pa siyang nakalap na impormasyon, maging ang mga statistics na di pa nililista noong unang panahon ay nagawan niya ng remedyo.
Kung ganoon, sino ang pinakamagaling na basketbolista?
Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended