Sta.Lucia hindi nakaporma sa Alaska
February 29, 2004 | 12:00am
Hindi pinagbigyan ng Alaska Aces na makaporma ang Sta. Lucia Realty nang kanilang dominahin ang laro sa pangunguna ng kanilang all-around import na si Galen Young tungo sa 88-80 panalo sa PBA Gran Matador Fiesta Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Humakot ang 64 na si Young, 28-gulang na produkto ng North Caro-lina-Charlotte, ng 27-puntos, 14 rebounds, limang assists at apat na steals upang pangunahan ang Realtors sa kanilang unang panalo sa torneong ito bilang preparasyon sa bagong calendar season ng PBA.
Sa tulong ni Young, umabante ng hanggang 15-puntos ang Aces matapos kunin ang 41-30 bentahe sa halftime at ito ang kanilang naging puhunan patungo sa final canto nang kanilang maramdaman ang pagod.
Sa pangunguna ni Sta. Lucia import Lamayn Wilson na umiskor ng 11 sa kanyang 29-puntos na produksiyon sa ikaapat na quarter, nakalapit ang Realtors ng hanggang apat na puntos, 78-82, 39.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Gayunpaman, agad na lumayo ang Alaska sa tulong ni Brandon Lee Cablay na kumamada ng dalawang freethrows mula sa foul ni Rafael Santos para pigilan ang rally ng Alaska.
Sa ikalawang laro, sumandal ang San Miguel Beer sa magandang performance ni import Art Long upang ikamada ang 105-76 panalo kontra sa FedEx Express.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am