Baste spikers maagang nagparamdam ng lakas
February 28, 2004 | 12:00am
Sinikap panindigan ng bagong team ng San Sebastian College-Manila ang pagiging defending champions nang kanilang lusutan ang mahigpit na hamon ng Adamson University bago maitakas ang 21-19 panalo sa pagbubukas ng Luzon eliminations ng 2004 Beach Volleyball kahapon na ginaganap sa sandcourts sa loob ng Rockwell.
Ang magandang pagtatapos nina Orland Malazzab at Reffy Monsueto noong nakaraang taon ay ipinagpatuloy nina Arman Canilang at Jershon del Rosario nang kanilang igupo ang tambalang Sherwin Meneses at Limuel Gatchalian ng Adamson.
Matapos kuhanin ng San Sebastian ang 20-17 pangunguna nakasilip ng pagkakataong makasilat ang Adamson nang silay umiskor maka-iskor ng dalawang sunod puntos sa magkasunod na error ng Baste para makalapit sa 19-20.
Ngunit hindi tumawid ng net ang serbisyo ni Gatchalian sanhi na siyang tuluyang nagkaloob ng panalo sa San Sebastian sa 32-team eliminations na ito kung saan ang top-four sa men at womens division ay uusad sa Boracay Finals sa Abril 14-16 kasama ang mga qualifiers mula sa Visayas at Mindanao eliminations na gaganapin sa Cebu sa Marso 12-14.
Ang pang opening day winners sa mens division ay ang mga NCR qualifiers na Central Colleges of the Philippines at College of St. Benilde gayundin ang University of the Philippines, De La Salle University at PATTS.
Tinalo ng CCP ang Baguio Colleges Foundation, 25-23, iginupo ng St. Benilde ang Bulacan State University, 21-9, pinayukod ng La Salle ang UP Los Baños, 21-14 at pinadapa ng PATTS ang Ateneo de Naga, 21-14. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended