PBA Fiesta Cup: Isa pang grupo ng bagong mukha kikilatisin
February 28, 2004 | 12:00am
Ilang imports at rookies na ang nakilatisan, sa araw na ito, may mga bagong mukha na naman ang makakaliskisan sa pagdako ng aksiyon ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Magiging bago sa panlasa ng mga Pinoy ang mga import ng Alaska na si Galen Young, Lamayn Wilson ng Sta. Lucia at Alvin Jefferson ng FedEx.
Magkakatapatan ang 64 na si Young at ang 66 na si Wilson sa alas-4 ng hapong sagupaan ng Alaska at Sta. Lucia.
Masusubukan naman ang galing ng FedEx import na isang 67 na si Jefferson ng balik PBA na si Art Long para sa San Miguel sa main game, alas-6:15 ng gabi.
Masusubukan din ang mga first round draft picks ng FedEx na sina Marc Jean Pingris, Wesley Gonzales at Ranidel de Ocampo.
Makikilatisan din ang bagito ng Aces na si Joachim Thoss at Bernson Franco gayundin sina Nelbert Omolon at Ronald Cuan ng Sta. Lucia.
Si Young ay naging all-star sa Continental Basketball Association ha-bang si Wilson naman ay naging standout sa Troy State Trojan.
Si Jefferson na produkto ng Auburn University ay galing sa Harlem Globetrotters.
Intact pa rin ang line-up ng San Miguel maliban sa bagong saltang si Dale Singson kaya naririyan pa rin sina Dorian Peña, Dondon Honti-veros, Danny Ildefonso, Olsen Racela at iba pa.
Hindi pa rin makakalaro si Danny Seigle na di pa lubos na nakakarekober sa operasyon ng kanyang napunit na achilles tendon, ngunit inaasahang mapupunan ito ni Long na naging import ng Beermen noong 2002 Commissioner Cup.
Sa Sta. Lucia, sina Marlou Aquino, Kenneth Duremdes at Dennis Espino ang makakatulong ni Wilson habang sina Mike Cortez, Bran-don Lee Cablay, Ali Peek at EJ Feihl naman ang makakaagapay ni Young para sa Alaska na di makakaasa kay John Arigo na nasa injured list.
Samantala, malamang na mag-All-Filipino ang Purefoods habang kinokontak pa nila ang dalawa pang napipisil na sina Tony Lang at Julius Nwosu na kapwa naglalaro ngayon sa Japan. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am