^

PSN Palaro

Maraming kapalit si Yao Ming

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Kuwento ni Tony Lu, napag-alaman daw niya sa China national team, mawala man ang isang Yao Ming, napakaraming kasing laki niya ang kasing-husay ang nakatago’t anytime eh puwedeng ilagay sa China basketball national team.

Dito sa atin, isang taon lang maglalaro sa national team, kinabu-kasan, nasa PBA na at isa nang professional.
* * *
Wala na ngang pinakamagandang gawin ang ating mga basketball leaders kundi ang mag-develop nang mag-develop ng magagaling at matatangkad na players at hanapan ang mga ito ng susuporta sa kanila financially, sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamumuhay.

Ang problema sa mga amateur national players natin, makatikim lang ng kaunting kasikatan, nasisilaw agad sa kinang ng pera at hayun, aakyat na rin agad sa PBA.

Eh kailan ka pa nga naman makakabuo ng isang solid na national team kung patuloy din lang na taon-taon eh magsisiakyat sa PBA ang magagaling nating amateur players.

Sa dami ng mayayaman na sports patron dito sa atin, gumawa na tayo ng isang malakas na national team na pasusuwelduhin na rin tulad ng isang PBA team.

Kapag ganyang may isa kang national team na suportado ng mga mayayamang mahilig sa basketball, tingnan ko lang kung mabuwag pa yan kahit sa loob ng limang taon.
* * *
In short, hangga’t kinukuripot at tinitipid ang mga national players natin, wala tayong magagawa kung ang mga iyan eh maghanap ng pera dahil kailangan rin naman nilang mabuhay.

Tapusin na natin ang paniniwalang kapag naglaro ka sa national team eh huwag nang isipin ang pera at puro pagsisilbi na lang sa bayan ang isipin.

Hindi na puwede yan sa hirap ng buhay ngayon.

Hindi na puwede yan sa panahon ngayon.

Wala ng bayani na tatagal sa ganyang sitwasyon.

Sikat ka ngang national player, magaling ka nga, pero saan ka nakatira? Magkano ang suweldo mo? Nagdyi-dyip ka lang papunta sa practice kasi maliit lang naman ang allowance mo?
* * *
Kapag ang isang national player eh may magandang suweldo, may magandang bahay, may magandang kotse tulad ng mga nakikita niyang PBA players, bakit pa nga naman siya mag-iisip na pumunta sa PBA agad.

Huwag na tayong magpaka-plastik sa ideya na yan, dahil sa ibang bansa, matagal nang ganyan ang ginagawa nila.

CENTER

KAPAG

LANG

NATIONAL

TEAM

TONY LU

WALA

YAO MING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with