^

PSN Palaro

Tour ng Pilipinas inurong sa Abril

-
Upang higit na maging maganda ang takbo ng karera sa mga bagong ginagawang kalsada, inurong ng organizers ng Tour Pilipinas ang karera sa Abril kung saan sarado na rin ang klase.

Orihinal na nakatakda sa Marso 18 hanggang Abril 4, ang Tour Pilipinas ay gagawin na sa Abril 15 hanggang Mayo 2. Ito ang ipinahayag ni Mar Mendoza, Tour ng Pilipinas Inc. executive director.

Teknikal na magsisimula ang karera sa Abril 12 kung saan magkaka-roon ng caravan ang buong tour entourage patungong Sorsogon.

Nang malaman ni tour chairman Bert Lina na hindi pa tapos ang pagsasaayos ng mga kalsada sa kanilang ruta, agad niyang inaprobahan ang pag-urong ng karera. Sinusunod ng Tour ang UCI (Union Cycliste Internationale) rules na nagbabawal sa karerang dumaan sa mga baku-bako at hindi magandang kalsada.

"We have to abide by the UCI rules because sooner or later, we would be enrolling the Tour Pilipinas with the world cycling federation," ani Lina. "Besides, these bad roads could pose as a threat to the safety of our riders."

Kaya naman bunga ng masasamang kalsada na kasama sa karera nagkaroon ng re-routing ang organizers upang maiwasan ito.

Gayunpaman, mananatiling may 17 stages na ikinalat sa 21 araw ang karera. At sa Sorsogon, Sorsogon, pa rin ang kick off point. At bilang pagbabago sa naging karera noong nakaraang taon na may 15 yugto, dadaan ang tour sa Cagayan Valley at iikot sa northern tip ng isla na daraan sa magandang tanawin ng Pagudpod.

Hiniling ng mga opisyal ng LGUs lalu na doon sa mga titigilan ng karera na tapusin na muna ang klase bago umpisahan ang karera dahil karamihan sa mga tauhan ng Tour ay gagamitin ang mga pasilidad ng public schools.

May 84 na siklista ang makikipagkarera ngayong taon sa ilalim ng 12 koponan para sa kulang-kulang na P5 million pa-premyo.

ABRIL

BERT LINA

CAGAYAN VALLEY

KARERA

MAR MENDOZA

PILIPINAS INC

SORSOGON

TOUR

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with