Dunlop Badminton 2004

Pormal nang inilunsad kahapon ng Dunlop Slazenger ang Dunlop Badminton 2004 range sa Palms Country Club sa Alabang, Muntinlupa City.

Walang iba kundi si dating First Lady at Philippine Badminton Association president Amelita ‘Ming’ Ramos ang siyang naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa programang tinampukan din ng paglalatag ng mga produkto ng Dunlop Slazenger sa natu-rang isport na patuloy ang pag-angat ng popularidad sa bansa.

Taglay ang matagal ng reputasyon bilang nangungunang sports equipment developer at manufacturer, ang Dunlop Slazenger, ay naglalayong patatagin pa ang kanilang dominasyon sa lumalaking merkado ng badminton sa pamamagitan ng Badminton 2004 range na magkakaroon din ng paglulunsad sa Malaysia at sa iba pang bansa sa linggong ito.

Isang test tournament ang ginanap matapos ang programa kung saan nagkaroon ng exhibition match ang mga badminton National players.

Show comments