Tryout ng Bayan: 6 na Ilonggos nadagdag sa listahan
February 22, 2004 | 12:00am
Anim na kabataang Ilonggo ang nadagdag sa listahan ng mga bagong talentong kinakalap ng Cebuana Lhuillier sa pamamagitan ng programa nitong "Tryout ng Bayan".
Sina Paul Rosal, Raffy Ynion, Huilliard Seth Yap, Elben Leonida, Kristoffer Arriola at Samson King Jr., ang siyang mga nahugot mula sa mahigit 150 aspiranteng dumalo sa tryout na ginanap sa Iloilo Sports Complex kamakailan.
Ayon kina national coaches Boyzie Zamar at Dong Vergeire, ang mga ito ay kinakitaan nila ng potensyal at maaring hubugin upang maging miyembro ng pambansang koponan balang-araw.
Si Rosal ay 63 at produkto ng University of Iloilo, si Ynion, 62, ay mula naman sa Sun Yat Sen High School habang ang 511 na si Yap ay galing Iloilo Chinese Commercial High School.
Kapwa may taas naman na 510 sina Leonida, Arriola at King. Sila ay buhat sa Univerisity of San Agustin, Western Institute Technology at Sta. Maria Catholic College, ayon sa pagkakasunod.
Gaya ng ibang napili sa ibang lugar na pinun-tahan ng Tryout ng Bayan, ang anim ay dadalhin dito sa Maynila at isasama sa national training pool. Sila ay bibigyan ng scholarship ng Cebuana Lhuillier.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am