^

PSN Palaro

Eric Buhain mangunguna sa "Lakbay Kontra Droga 2004"

-
Pinangunahan na ng Philippine Sports Commission ang pakikibahagi ng local sporting community sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs na tinaguriang ‘Lak-bay Kontra Droga 2004.’

Ang culminating activity bukas sa Liwasang Ipil-ipil sa CCP Complex ay nationwide caravan na may layuning pag-ibayuhin ang kaalaman sa mga Filipinong kabataan sa kasalukuyang anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Sinabi ni PSC Chairman Eric Buhain na ang papel ng sporting commu-nity sa kampanya ay mahalaga dahil ang mga atleta ay nabibilang sa youth sector na siyang madalas na nagiging bik-tima ng mapanganib na droga.

Noong nakaraang taon, nagsagawa ang PSC ng drug test sa mga national athletes sa pamamagitan ng Philippine Center for Sports Medicine na nagpatibay ng commitment ng ahensiya sa drug-free participation sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

"This is to ensure that amateur sports is free from drug related-inci-dents," ani Buhain. "And that our national athletes start on a clean slate before seeing action in major competitions as required by the International Olympic Committee."

Inihayag din ni Buhain na ang 442 PSC employees ay sumailalim din sa Drug Check Philippines noong Marso 2003.

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DROGA

DRUG CHECK PHILIPPINES

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

LIWASANG IPIL

PHILIPPINE CENTER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS MEDICINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with