^

PSN Palaro

Aguilar idedepensa ang titulo

-
Ang manalo ng FIM Asian title ay madali lamang ngunit ang pagdedepensa nito laban sa mga mahuhusay na Asyano ay may kahirapan.

Sisikaping panindigan ni Revtex Rocket Glenn Aguilar ang pagiging top rider ng rehiyon sa pagsisimula ng kanyang pagdedepensa ng Asian crown sa first leg ng FIM Asian Supercross sa Bali, Indonesia bukas.

Mahigpit na hamon ang kakaharapin ni Aguilar, ipinadala ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA), na pinamumunuan ni Ken Falco, mula sa mga best bikers ng Japan, Australia, Malaysia, New Zealand, China, Thailand, Guam, Sri Lanka at host Indonesia.

"The pressure is so intense when you are the champion," wika ng 27-anyos na si Aguilar, na nagta-la ng kasaysayan ng siya ay maging unang Filipino na nanalo ng prestihiyosong Asian motocross title.

"That’s the price you have to pay. But I realize, that is the only way you can stay at the top of your game or even improve further to compete against the best," dagdag ni Aguilar, seven time National Rider of the Year at Philippine Sportswriters Association awardee ng motocross.

AGUILAR

ASIAN SUPERCROSS

BUT I

KEN FALCO

NATIONAL MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION

NATIONAL RIDER OF THE YEAR

NEW ZEALAND

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

REVTEX ROCKET GLENN AGUILAR

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with