^

PSN Palaro

Hangga't kayo ko lalaro ako - Patrimonio

-
Marami ang nagsasabing patakip-silim na ang career ni Alvin Patri-monio ng Purefoods.

Ngunit para kay Patrimonio, marami pa siyang maaring gawin at gampanan sa kanyang koponan.

Katunayan maraming numero ang pumapaligid sa kaisipan ng isa sa dalawang tinanghal na Most Valuable Player ng PBA lalo na sa pagpasok ng ika-17th taon ng kanyang paglalaro sa naturang liga.

Isa rito ay number 14-- ito ang bilang na kailangan niya para maabot ang 15,000 points o 789 na puntos na kailangan niya para maungusan si Abet Guidaben sa No. 12 sa all-time scoring list, o isang assist para makuha ang 2,000 career bench-mark.

Ngunit ang mga pigurang gustong-gustong ng Purefoods star ay 40 at 1 na kapwa may kinalaman kay LA Lakers Karl Malone, na alam ni Alvin na isa sa kanyang sukatan pagdating sa patagalan at katalinunan sa PBA.

Si Malone na bagamat lagpas 40 na ay nanatiling No. 1 sa power for-ward position sa pinakamalaking yugto ng basketball.

At ito rin ang nais ni Patrimonio.

"Iyon ang gusto ko, ang umabot ng ganung age pero nandoon pa rin sa mga top players sa liga," ani Patrimonio.

At hanggat kailangan siya ng Purefoods at mahaba pa ang motibas-yon, pagnanais at init sa laro nais nitong manatili.

"Gusto ko pa sana," aniya. "Hanggat nandoon pa ang desire, at hanggat kaya pa."

ABET GUIDABEN

ALVIN

ALVIN PATRI

HANGGAT

LAKERS KARL MALONE

MOST VALUABLE PLAYER

NGUNIT

PATRIMONIO

PUREFOODS

SI MALONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with