^

PSN Palaro

Pinoy chessers tagumpay sa France

-
Naghatid ng karanga-lan ang Cebuanong Inter-national Master-elect na si Joseph Sanchez (ELO 2450) ng Philippine Navy nang makipagtabla ito sa first place sa 186 man-field 20 minutes rapid chess championships na tinaguriang Challenge Michel Herry tournament na ginanap kamakailan lamang sa Club d echecs de Saint-Maur sa France.

Umiskor ang 33-gu-lang na si Sanchez, nakabase sa Europe, ng anim na panalo at dalawang draw na siya ring pagtatapos ng 22-gulang na si Super GM Laurent Fressinet (ELO 2636) ng Clemont-Ferrand, Fra-nce, Luxembourg top player GM David Alberto (ELO 2580) at Woman Grandmaster Maria Leconte (ELO 2271) ng France.

Gayunpaman, pagkatapos ng tie break, nakopo ng rank no.4 na si France Super GM Fressinet makaraang lumikom ng 42 tie break points.

Pumangalawa ang 33-years-old na si GM Alberto na may 39 tie break points, kasunod ang rank no.7 na si Sanchez na may 38 tie break points habang ang fourth place ay ang 33-gulang na si WGM Leconte, ang dating team captain ng France National team sa nakaraang Bled Chess Olympiad na may 37.5 tie break points.

Ang 5th to 8th places na pare-parehong may 6.5 puntos ay sina GM Petar Popovic (ELO 2503) ng SCG, GM Amir Bagheri (ELO 2534) ng Iran, IM Namig Goulliev (ELO 2453) ng Azerbai-jan at IM Luc Bergez (ELO 2380) ng France.

Si Sanchez na tumanggap ng kanyang IM status matapos manalo sa Milan, Italy Open tournament at ang trainer/coach ng SEA Games bemedalled athlete GM-candidate Mark Callano Paragua (ELO 2529).

AMIR BAGHERI

BLED CHESS OLYMPIAD

CEBUANONG INTER

CHALLENGE MICHEL HERRY

DAVID ALBERTO

ELO

FRANCE NATIONAL

FRANCE SUPER

ITALY OPEN

JOSEPH SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with