^

PSN Palaro

PBA Fiesta Cup sa Linggo

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sa Linggo na magbubukas ang PBA Fiesta Cup at dahil sa marami na ang nagbago sa mga line-up ng teams, interesado ang maraming basketball fans na makita ang ligang ito.

Mukhang sold out na ang tickets para sa Linggo hindi lang dahil sa opening salvo kundi dahil na rin sa may laro ang Ginebra San Miguel.

Alam nyo naman kung paano sumuporta ang mga fans ng Barangay Ginebra, matalo man o manalo.

Umaasa ang mga tagahanga ng Ginebra na isang brand new fighting team ang makikita natin sa Linggo.

May mga bago silang players tulad nina Rodney Santos at Andy Seigle, at nandyan na muli si JJ Helterbrand. Mukhang impressive ang import nila.

Isa sa mga teams na walang kinuha sa drafting ang Ginebra kaya wala silang rookie from the Draft.
* * *
Nag-release na ang PBA ng official line-up ng mga teams at mapapansin na kakaunti rin ang nakapasang rookies from the drafting.

Marami rin ang hindi nakapirma at yan ang nakakalungkot. Nung makuha ang mga yan sa drafting eh umasa na sila na makakapaglaro na sila sa PBA.

In the end, umuwi rin silang luhaan dahil hindi rin sila nakapirma.

Tiyak na babalik ang mga yan sa mga PBL teams nila o yung iba’y mapipilitang maglaro sa mga maliliit na liga para lang maka-survive sa buhay nila.

Yan na nga ba ang matagal ko ng sina-suggest. Sana kung hindi rin lang papipirmahin eh wag nang kunin sa drafting. Bakit hindi na lang muna imbitahin yung mga kursanada nilang rookies para sa isang tryout para kung makita nilang walang ibubuga, eh di wag na lang nilang kunin sa drafting.

Ang hirap naman kasi sa ibang teams, kukunin sa drafting ang type nilang players, tapos saka pasisiputin sa tryouts. At pag wala naman palang ibubuga, at saka nila pauuwiing luhaan.

Kawawa naman yung mga rookies.
* * *
Maraming players ang nasa injury list tulad nina Rysal Castro at Danny Seigle.

Sa palagay ni Jong Uichico, hindi pa handa si Danny sa matinding aksyon kahit na nga nakakalaro na siyang muli.

Natutuwa naman kami na makita sa line-up si Erwin Velez sa Red Bull Barako team.

Dati siyang nasa reserved list at nagtiis hanggang sa maisama na nga siya sa official team.

Good for this hardworking guy.

Congrats, Erwin Velez!
* * *
Pakulo nga lang ba ang paghihiwalay ng isang sexy star at ang kanyang boyfriend na basketball player?

In short, balik na sila sa isa’t isa pagkatapos na ma-tsismis na sila’y magkahiwalay.

At may tsismis pa na binabalikan si sexy star ni player kaya sinagot niya itong muli.

May laro si player sa Linggo, kaya kapag nakita ninyong nanonood si sexy star, yun na..
* * *
Happy birthday sa mga kaibigan nating sina Teddy Valle at Ding Lozano.

ANDY SEIGLE

BARANGAY GINEBRA

CENTER

DANNY SEIGLE

DING LOZANO

ERWIN VELEZ

LINGGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with