'Mr. Excitement' sa SCOOP

Ang naghihintay na kapalaran ni Paul ‘Bong" Alvarez sa kanyang pagsabak sa United States Basketball League ang tatalakayin ngayon sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant sa West Ave., Quezon City.

Mismong si Alvarez, tinaguriang "Mr. Excitement" ng local basketball ang dadalo sa lingguhang public forum para ipaliwanag sa mga miyembro ng SCOOP ang detalye ng imbitasyon sa kanya ng defending USBL champion Pennsylvania Valleydawgs na maglaro sa nalalapit na pro-season

Dadalo din sa sesyon na itinataguyod ng Photokina Marketing, ang mga bagong halal na miyembro ng Darts Council of the Philippines sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Errol Magtubo.

Show comments