Mapasama sa RP Open asamng 33 players

May kabuuang 33 players ang maglalaban-laban para sa 10 slots ng RP Open golf championships sa pagdaraos ng isang araw na qualifying tournament sa Couple’s Course sa Riviera golf complex sa Silang, Cavite.

Pangungunahan nina Edgar Ababa at Al Cruz ang 9-kataong local squad na kinabibilangan nina Randy Garalde, Lito Rempojo, Lito Saban, Rodolfo Ardimer, Orlan Sumcad, Robert Seno at Erwin Arcilla.

Kasama rin nilang umaasa ng puwesto para sa RP Open ay ang lady teener na si Remijin Camping habang ang Fil-Am Roberto Manalo ay kabilang din sa grupo ng mga aspirante mula sa Korea at Japan.

Ang DHL-Philippine Open, ay nakatakda sa Pebrero 26-29 sa Riviera’s Langer layout na humatak ng pinakamahuhusay na manlalaro sa rehiyon na kinabibilangan nina Thai ace Boonchu Ruangkit, Indian Jeev Milkha Singha at defending champion Rick Gibson ng Canada.

Hahamunin naman ito ng mga local bet na sina dating Open champions Frankie Minoza, Cassius Casas, Robert Pactolerin at Gerald Rosales, na kasalukuyang lumalaro sa Malaysian Open.

Show comments