^

PSN Palaro

Philsoc binatikos sa pagkawala ng cycling sa priority sports

-
Mariing binatikos ng Asean Cycling Association (ACA) ang pagkakatanggal ng cycling mula sa priority list of sports na inirekomenda ng technical committee of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) para sa pagho-host ng bansa sa 2005 biennial meet.

Nagpahayag ng pagkakadismaya si Haji Abu Samah Wahab, presidente ng Melaka (Malaysia)-based ACA, isang organization ng cycling federation ng siyam mula sa 11 SEA Games countries dahil sa pagkakatanggal ng cycling.

"Cycling is an Olympic event and had been in the SEA Games since it started as the SEAP (Southeast Asian Peninsular Games) in 1957 in Bangkok," pahayag ni Wahab sa kanyang liham na ipinadala sa pamama-gitan ng faxed sa Phil-Cycling, ang national federation ng nasabing sport na isa ring ACA member.

Nag-abiso rin si Wahab na kailangan ng isang malakas na pagla-lobby para mapasama ang nasabing sports sa priority sports sa nalalapit na SEA Games Federation meeting sa Marso 4-5 sa Manila.

Ang technical committee ay pinangungunahan ni dating sports commissioner Ritchie Garcia.

Inaprubahan ng POC ang aquatics (swimming at diving), athletics, archery, basketball, billiards, boxing, bowling, chess, fencing, golf, gymnastics, judo, rowing, taekwondo, wrestling, wu-shu, softball, baseball, dancesports, equestrian, triathlon, arnis at traditional boat race bilang priority sports.

ASEAN CYCLING ASSOCIATION

CYCLING

GAMES FEDERATION

HAJI ABU SAMAH WAHAB

INAPRUBAHAN

MARIING

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

RITCHIE GARCIA

SOUTHEAST ASIAN PENINSULAR GAMES

WAHAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with