^

PSN Palaro

2 pang Pinoy jins may tiket na rin sa Athens Olympics

-
Dalawang iba pang Petron national taekwondo team standouts--sina Donald David Geisler at Mary Antoinette Rivero ang nakapasok sa Athens Olympics ngayong Agosto.

Nagbulsa sina Geisler at Rivero, na kapwa sumabak sa welterweight class ng tig-isang silver medal sa nakaraang Asian qualifying tourna-ment sa Bangkok upang makasama ang flyweight na si Tshomlee Go na kakampanya sa bansa sa Athens taekwondo competition.

Nakopo ni Geisler, isa sa apat na Pinoy na kumatawan sa bansa sa Sydney Olympics may apat na taon na ang nakakaraan ang kanyang ikalawang Olympic stint nang kanyang igupo ang mga kalaban na sina Kiwi na si Harmihs Wybrow, 8-0; Singaporean Tze Chap Toh, 13-3 at Australian Daniel Trenton, 10-9.

Napagwagian ni Trenton ang silver nang magsagawa ang taekwondo ng debut bilang Olympic medal sport sa Sydney.

Hiniya naman ni Rivero, 16-anyos mula sa St. Paul Pasig star si Cinta Herru Berlina ng Indo-nesia, 4-3 at Caroline Bartasek ng New Zealand, 4-1.

Si Tsomlee Go ang kauna-unahang Pinoy jin na nakasungkit ng Olym-pic slot sa Athens nang ito ay magtagumpay sa world qualifying tournament sa Paris noong nakaraang Dec. 4-7.

"Our (three) athletes made a splendid performance against tough, veteran rivals," wika ni Philippine Taekwondo Association vice-president Sung Chon Hong. "I’m proud of them."

Matatandaan na apat na taon na ang nakakaraan nang sina Geisler, Roberto Cruz, Eva Marie Ditan at Jasmin Strachan ay lumahok sa Sydney Olympics.

ATHENS OLYMPICS

AUSTRALIAN DANIEL TRENTON

CAROLINE BARTASEK

CINTA HERRU BERLINA

DONALD DAVID GEISLER

EVA MARIE DITAN

GEISLER

HARMIHS WYBROW

JASMIN STRACHAN

SYDNEY OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with