^

PSN Palaro

9 imports sa PBA Fiesta Cup pasado lahat

-
Pumasa ang siyam na imports na paparada sa Fiesta Cup na magsisi-mula sa Pebrero 22 habang walang pinasukatan na import ang Barangay Ginebra.

Ang pinakamataas sa mga imports ay si Alvin Jefferson ng FedEx na nasukatan sa taas na 6‚7 3/8, isang sentimetro lamang bago maabot ang height ceiling na 6’8 na itinakda para sa transition tournament na ito.

Pinakamaliit naman ang import ng Alaska na si Leslie Young na nasu-katan ng PBA physician na si Dr. Ben Salud sa 6’4 1/8.

Walang import na pinasukatan ang Ginebra na napabalitang palalakasin ni Bingo Merriex ngunit hindi ito sumipot kahapon.

May balitang kukunin ng Gin Kings ang dating eksplosibong import ng Tigers na si Rosselle Ellis.

Sumunod kay Jefferson ay si Mark Sanford ng Coca-Cola at ang San Miguel import na si Art Long na parehong may taas na 6’71/4.

Nasukatan naman sa 6’6 1/8 si Red Bull import Carlos Wheeler sumunod si Randy Holcomb ng Talk N Text na 6’6 1/4 at Sta. Lucia import na sy Lamayn Wilson na may taas na 6’6.

Ang import ng Shell na si Marek Ondera ay may height na 6’51/4 habang ang reinforcement ng Purefoods na si Leonard Cooke ay may taas na 6’5 1/8.

Samantala, kumpiyansa si PBA technical chief Perry Martinez sa binalasang reperi na magtatrabaho ng mahusay sa pagsisimula ng Fiesta Cup sa Linggo sa Araneta Coliseum.

ALVIN JEFFERSON

ARANETA COLISEUM

ART LONG

BARANGAY GINEBRA

BINGO MERRIEX

CARLOS WHEELER

DR. BEN SALUD

FIESTA CUP

GIN KINGS

IMPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with