^

PSN Palaro

Tamang proseso

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kahit na tapos na ang best-of-five Finals ng Philippine Basketball League (PBL) Platinum Cup kung saan tinalo ng Fash Liquid ang Welcoat House Paints para maisubi ang kampeonato ay pinag-uusapan pa rin ang pangyayaring si Peter June Simon ang nahirang na Most Valuable Player.

Siyempre, ngayong nagwagi na nga ang Fash, maraming nagsasabing deserving nga si Simon. Napatunayan niyang kaya niyang tulungan ang kanyang koponan na magkampeon.

Pero siyempre, hindi naman dapat gawing basehan ang resulta ng kampeonato, e. Kasi, ang MVP ng liga ay pinili at hinirang bago matapos ang Finals. At sa pagtatapos ng elimination round, si Jercules Tangkay ng Welcoat House Paints ang siyang nanguna sa statistical race.

Iyon naman ang contention ng mga taga-Welcoat at ng kanilang mga supporters. Kaya ipinakita nila ang kanilang suporta kay Tangkay. Hindi naman siguro masama iyon, no? Hindi ba’t puwede ngang maglagay ng black band ang mga teams kapag may ipinagluluksa sila. O kaya’y puwedeng maglagay ng sticker sa kanilang dibdib upang magpakita ng suporta sa isang kakamping may sakit. Hindi nga ba’t sa isang torneo ay naglalagay pa nga ng sticker ang Welcoat players bilang pagpapaalala ng mga pagkatalong sinapit nila. Hindi na bago ang ganitong practice ng Welcoat o ng kahit na anong koponan sa PBL, PBA, sa collegiate league at kahit saan. Hindi kasi taliwas sa rules ng liga iyon!

Pero itong huling ginawa ng Welcoat ay may nilikhang sugat dahil sa nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang commissioner si Chino Trinidad. Hindi na natin bubusisiin nang husto ang pagbibitiw ni Chino dahil alam na ng lahat ang nang-yari.

Ang pag-uusapan na lang natin ay ang selection process na pinairal sa pagpili ng MVP.

Animnapung porsiyento ng criteria ay ang statistical points. Ibig sabihn, sa puntong ito ay angat na angat si Tangkay. Nakabawi lang si Simon dahil sa boto ng kapwa players, team officials at media people. At ito’y hindi naman taliwas sa alituntunin ng liga.

Ang sinasabi namin ay ito: Alam ng lahat ang proseso ng pagpili sa MVP. Statistical points at boto ang mga criteria dito.

Pumayag silang sumailalim sa proseso. So, anuman ang kinalabasan ng selection process ay dapat na tanggapin ng lahat. Puma-yag silang sumailalim dito, e.

Hindi naman natin sinasabing hindi sumang-ayon ang Welcoat. Ipinakita lang nila ang kanilang simpatya kay Tangkay! Wala na naman silang magagawa nang itanghal na MVP si Simon. Hindi na puwedeng baguhin pa iyon, e.

Hindi naman kasi parang national elections iyan na puwedeng magprotesta ang mga natalo at magkaroon ng recount. Wala namang dayaang nangyari sa pagpili ng MVP ng PBA. Walang dagdag-bawas diyan.

Dahil sa nagkaroon ng kontrobersya sa pilian ng MVP, siguro’y makakabuting pag-aralang mabuti ang selection process para sa susunod na torneo ng PBL.

Mahirap yung palaging may sugat na nililikha ang bagay na ito.

CHINO TRINIDAD

FASH LIQUID

JERCULES TANGKAY

MOST VALUABLE PLAYER

NAMAN

PERO

TANGKAY

WELCOAT

WELCOAT HOUSE PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with