^

PSN Palaro

PhilCycling trials may schedule na

-
Magsasagawa ang PhilCycling ng apat na araw na trials sa Pebrero 15-18, ang unang serye ng tryouts para piliin ang mga miyembro ng national cycling team na hahasain para sa 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa 2005 at para makabuo na rin ng developmental pool.

Ang schedule ay: February 15--Road individual time trial (ITT) sa Jalala para sa 40-km for elite men, 20-km para sa elite women at 20-km para sa developmental men at women; February 16--Track ITT sa Amoranto Velodrome para sa 200-km at 2-km time trial para sa elite men, women at developmental at 4-km time trial para sa elite men; February 17--Track ITT sa Amo-ranto Velodrome din para sa 1-km elite men, women at developmental men at women at points race para sa elite men; at February 18--Road massed start sa Batulao via Palico, Balayan, Batangas, hanggang Canyon Woods para sa men at women at developmental.

Ang trials ay pangangsiwaan ng PhilCycling coaching staff na kinabibilangan nina head coach Jomel Lorenzo at assistant coaches Joselito Santos (track-velodrome), Domingo Villanueva (road), Renato Mier (mountain bike) at Renato Dolosa (developmental).

Ang schedule para sa mountain bike trials ay ia-announce na lamang gayundin sa BMX, na opisyal na isasamang sports ng PhilCycling.

Ang trials ay bukas para sa lahat ng cyclists, kabilang ang mga dating national team members. Bilang bagong policy, ang national team ay binuwag pagkatapos ng December Vietnam SEA Games gayundin ang coaching staff kaya hiniling na magre-apply ang mga coaches at magpresenta ng program para sa 2005 SEA Games.

Ang mga detalye ay maaaring kunin sa PhilCycling headquarters sa tel nos. 8794374 o 8794378.

AMORANTO VELODROME

CANYON WOODS

DECEMBER VIETNAM

DOMINGO VILLANUEVA

JOMEL LORENZO

JOSELITO SANTOS

MEN

PARA

RENATO DOLOSA

RENATO MIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with