^

PSN Palaro

Tour De Langkawi:Ramos sumikad ng yellow jersey

-
TAIPING, Malaysia -- Parang natulala si Merculio Ramos nang umak-yat ito sa podium para tanggapin ang kanyang yellow jersey matapos pangunahan ang unang leg ng Tour de Langkawi.

Nagtala ng bagong kasaysayan ang Filipino rider bilang unang Asian rider na nagsuot ng dilaw na jersey na simbolo ng overall leadership sa annual bikathon na siyang pinaka-prestihiyosong bikathon sa laban ng Europe.

Maagang kumawala si Ramos para pagwagian ang una sa tatlong sprint stages kaya nakuha nito ang yellow jersey nang magdesisyon ang race officials na i-nuetralize ang race results.

Walang idineklarang panalo sa maigsing 112-km ride mula sa Penang hanggang Kuala Lumpur dahil nagkagulo pagkatapos nang karera nang magkamali ang mga police sa bilang ng laps sa finishing circuit.

Pinadaloy na ng mga police ang trapiko sa circuit route ngunit hindi nila akalaing hindi pa tapos ang karera kaya nagkanda-trapik-trapik at di nakalusot ang peloton sa final eight kilometers.

Dahil dito, naipit ang mga big guns na kinabibilangan ng Health Net Pro squad ng United States na inaasahang mangunguna sa karera.

Kumawala si Ramos at Zhu Yong Biao ng China sa main pack sa unang pitong kilometro at halos di nawala sa trangko ngunit nanatiling nakabantay sa likuran ang 147 siklista.

Gayunpaman, nahabol ang dalawa sa Lake Garden kung saan ku-kumpletuhin nila ang two-lap 8-km circuit race ngunit hindi ito nangyari dahil puno na ng mga sasakyan ang course kaya binigyan ang lahat ng siklista ng pare-parehong oras na 2-hours at 35.9 seconds.

Nagdesisyon ang mga race officials na i-nuetralize ang karera ngunit kinilala nila ang hirap at pagod ni Ramos, Zhu at isa pang PAGCOR rider na si Lloyd Reynante sa ceremonial honors.

Si Zhu ay binigyan ng blue jersey para sa sprint honors habang si Reynante ang kinilalang Asian leader na may red/white jersey ngunit hindi naging makatuwiran ang di pagbibigay kina Ramos at Zhu ng sprint points kahit na natapos nila ang karera bago pa magkagulo pero ibinigay sa kanila ang cash prizes para sa naturang kategorya.

HEALTH NET PRO

KUALA LUMPUR

LAKE GARDEN

LLOYD REYNANTE

MERCULIO RAMOS

RAMOS

SI ZHU

UNITED STATES

ZHU

ZHU YONG BIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with