Nakatakda sa semifinals games ng womens softball ngayong araw sa University of Santo Tomas (UST) field ang sagupaan ng defending champion at league-leading University of the East at UST sa alas-10 ng umaga habang magtitipan naman ang Adamson at ang University of the Philippines sa alas-12 ng tanghali.
Dahil sa pangunguna ng UE taglay ang 8-1 kartada na sinusundan ng Adamson na mayroong 7-2 win-loss slates, hawak nila ang twice-to-beat advantage kontra sa UP na tersera (5-4) at UST na ikaapat (5-4). Kung kinakailangan, itatakda ang deciding game sa Miyer-kules.
Sa mens baseball, sasagupain naman ng lider na UP ang nanggulat na NU na nasa ikaapat na puwesto sanhi ng kanilang 4-6 kartada sa alas-10 ng umaga sa Rizal Memorial Diamond bukas.
Sa iba pang laro, mag-lalaban naman ang UST (No. 2) at ang Adamson (No. 3) sa alas-12 ng tanghali.