^

PSN Palaro

UAAP softball Final Four simula na

-
Lalaruin ngayong weekend ang Final Four matches ng softball at baseball kung saan makakaharap ng lider na Ateneo ang mahigpit na karibal na De La Salle sa panimula ng men’s football second round ng 66th season ng UAAP.

Nakatakda sa semifinals games ng women’s softball ngayong araw sa University of Santo Tomas (UST) field ang sagupaan ng defending champion at league-leading University of the East at UST sa alas-10 ng umaga habang magtitipan naman ang Adamson at ang University of the Philippines sa alas-12 ng tanghali.

Dahil sa pangunguna ng UE taglay ang 8-1 kartada na sinusundan ng Adamson na mayroong 7-2 win-loss slates, hawak nila ang twice-to-beat advantage kontra sa UP na tersera (5-4) at UST na ikaapat (5-4). Kung kinakailangan, itatakda ang deciding game sa Miyer-kules.

Sa men’s baseball, sasagupain naman ng lider na UP ang nanggulat na NU na nasa ikaapat na puwesto sanhi ng kanilang 4-6 kartada sa alas-10 ng umaga sa Rizal Memorial Diamond bukas.

Sa iba pang laro, mag-lalaban naman ang UST (No. 2) at ang Adamson (No. 3) sa alas-12 ng tanghali.

ADAMSON

ATENEO

DAHIL

DE LA SALLE

FINAL FOUR

LALARUIN

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with