RP Blu Boys out na
February 6, 2004 | 12:00am
CHRISTCHURCH, New Zealand -- Lumasap ang The Philippines ng 0-6 pagkatalo laban sa newcomer ngunit talented na Samoa squad na siyang hudyat ng kanilang pagkakatalsik sa kontensiyon sa XI Mens World Softball Championship sa Smokefree Ballpark dito.
Nakalusot sa sudden death phase ang Blu Boys nang blangkuhin ng Australia ang Samoa, 8-0, sa limang innings at sa panalo ng South Africa laban sa Venezuela, 6-1 ngunit naging intensibo ang Samoans rode sa simula ng winner-take-all match upang dispatsahin ang mga Pinoy na di na-kapagpakita ng magandang porma tulad ng kanilang ginawa para talunin ang South Africans, 9-6, at Netherlands, 6-1.
Nagtapos ang Blu Boys na may 2-5 card, kahit may 12 players lang.
Umusad ang Samoa sa quarterfinals matapos magtala ng tatlong panalo at apat na talo habang ang walang talong New Zealand ang nanguna sa bracket na may anim na panalo bukod pa sa kanilang final game laban sa Canada na nakakuha naman ng second slot. Ikatlo ang Australia.
Ang United States, isa sa dalawang walang talong team, ang nanguna sa seven-team Pool B na may li-mang panalo kasunod ang Japan, Czech Republic at Argentina.
"Binigyan ng pagkakataon pumasok pero di ukol. They would put men on base and pulled off clutch hits at nawala naman ang opensa natin?" ani RP head coach Reynaldo Manzanares.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended