PBA Preview: Hindi si Walker kundi si Merriex ang magiging import ng Ginebra
February 6, 2004 | 12:00am
Hindi itinuloy ng Ginebra ang pagkuha kay Jermaine Walker at ipinalit nila ang bagitong si Bingo Merriex para maging import sa Philippine Basketball Association Fiesta Cup na magbubukas sa Pebrero 22 sa Araneta Coliseum.
Ang dating FedEx import na si Jermaine Walker ay napabalitang may injury kaya nagdesisyon ang Gin Kings na magpalit ng reinforcement.
Inaasahang darating ngayon si Merriex para makapag-practice na sa Kings.
Si Merriex ay 68 at 225 pounds, na isang masipag na player at scorer.
Bilang standout sa Texas Christian University, si Merriex ang nangu-na sa Horned Frogs sa scoring at rebounding sa 2001 season of the US National Collegiate Athletic Association.
Samantala, nagkumpirma na ng partisipasyon ang Lebanon sa Fiesta Cup habang hinihintay pa ang sagot ng Angola na kung hindi sasali ay iimbitahan ng PBA ang Australia.
Ayon sa Australia, walang conflict sa kanilang schedule ang mga laro kaya maaari silang mag-partisipa.
Ang iba pang import ay sina Galen Young ng Alaska, Art Long ng San Miguel, Carlos Willer ng Red Bull, Alvin Jefferson ng FedEx, Lamayn Wilson ng Sta. Lucia at Marek Ondera ng Shell na siyang pinakamaagang dumating sa bansa. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended