^

PSN Palaro

Malapit nang magsimula ang PBA

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Ilang days na lang at umpisa na naman ang bakbakan sa Philippine Basketball Association. Ito ay ang appetizer ng 2004 PBA season na tatawaging PBA Fiesta Cup kung saan hudyat ng panibagong kalendaryo ng liga na pormal na magsisimula sa Oktubre.

Gayunpaman, dito pa lamang sa Fiesta Cup ay tiyak nang magpapasiklaban ng husto ang mga rookie draftees.

Siyempre magpapa-impress ang lahat lalo na yung mga first rounder.

Lalo na yung mga rookies na naging member ng National team na sumabak sa Vietnam Southeast Asian Games noong Disyembre at napanatili ang korona sa basketball.

Siyempre kanya-kanyang pasiklaban sina Ranidel de Ocampo, James Yap, Rich Alvarez, Marc Pingris, Gary David at iba pa.

Masyadong talented ang batch na ito dahil bukod sa pagiging member ng National team hasang-hasa na rin sila sa PBL at yung iba naman ay sa mga school leagues nila.

Kaya lang ang tunay na measurement ng kanilang talino ay mapapatunayan lang nila sa Oktubre. Hindi ko alam kung counted ang mga magiging statistics nila dito sa Fiesta Cup.
* * *
Hindi lang naman pala ang mga rookies ang magpapasiklab. Tiyak na hahataw din ng husto ang mga imports na karamihan ay pawang mga balik-import. Kung may bago man, iilan lamang.

Gayunpaman, tiyak na inaasahang ngayong taon ay sisikat na ang araw para sa PBA.
* * *
Akala ko noong una suplado itong si Ranidel de Ocampo. Kasi nakasama ko sa Vietnam SEA Games pero, hindi naman pala. Mahiyain lang.

Although mahiyain itong si Ranidel,. medyo nagulat pa ako at dahil nga sa cowboy naman pala.

Game na game ika nga.

In fact kahit malayo ang bahay ko, habang siya ay taga-Cavite, eh nakarating pa rin siya sa amin para sa isang special day. Siyempre kasama din niya ang kanyang manager na si Charlie Dy, na kaibigan ko na yata sa loob ng isang dekada o lagpas pa at kumpare pa.

Okay si Ranidel, in fact nag-sing-along pa kami sa bahay. Doon ko napatunayan na mali yung first impression ko sa kanya.

Game na game pala at kalog itong si Ranidel.

Thank you nga pala sa iyo Ranidel and Charlie!

Sana hindi ka magbago Ranidel. Kahit na nasa PBA ka na huwag mong kakalimutang lumingon sa pinanggalingan mo.

Thank You and Good luck sa iyong career.
* * *
Thank you din nga pala sa lahat ng nagpunta sa amin na kahit na malayo eh okay lang sa kanila basta makarating sa aking special day. Alam ninyo kung sino kayo. Salamat sa lahat ng naka-alala.

At bago ko tapusin ito, happy birthday din kina Jojo Cruz (Feb. 4), Belinda (Feb 8), Shane Angel (Feb. 8), Mommy Quiazon (Feb. 8), sa aking lovely daughter Leslie Jylle (Feb. 18), Ella Mae (Feb. 18), Bonnie Lachica (Feb. 18) at Rommel Condino (Feb. 22).

BONNIE LACHICA

CHARLIE DY

ELLA MAE

FEB

FIESTA CUP

GARY DAVID

RANIDEL

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with