^

PSN Palaro

Baguio-to-Baguio stage ibinalik ng Tour Pilipinas

-
Ang Baguio-to-Baguio stage ang magiging krusyal na araw sa 2004 Tour Pilipinas na magsisimula sa March 18 sa Sorsogon at tatapusin ng circuit race sa Manila sa April 4.

Mayroon ding tatlong akyatin sa Southern Luzon at dalawa pang mountain routes sa northeastern at Northern Luzon.

Ang Baguio-to-Baguio Stage 15 na nakatakda sa April 2 ay tinatayang may 200 kms.

Pakakawalan ang 84 riders sa Burnham Park at bababa ng Marcos Highway, paakyat ng Naguilian, baba uli ng Marcos Highway bago umakyat sa back-breaking Kennon pabalik sa Burnham.

Sa revival ng tour noong nakaraang taon, ang San Fernando (La Union)-to-Baguio stage ang pumalit sa Baguio-to-Baguio, ngunit ibinalik ang naturang lap dahil ito ang signature stage ng karera kung saan nadedetermina ang champion ng karera.

Ang Bitukang Manok sa pagitan ng Naga City at Daet sa March 19 second stage ang unang pagsubok sa mga siklista kasunod ng Tatlong Eme sa Atimonan, Quezon at mula Daet to Lucena City ang third stage sa March 20 sa southern swing.

Sa Norte, Dalton Pass ay may kahirapan din sa pagtahak ng mga siklista ng Cabanatuan-Solano (Nueva Viscaya) stage nine sa March 26.

Sa Luzon, maganda ang mga tanawin ngunit ang Pagudpod ay may akyating bahagi din at may malakas na hangin mula sa dagat sa Aparri to Laoag March 29 Stage 12.

Ang 2004 Tour ay 2-araw na event na technically ay magsisimula sa March 15 dahil ang Tour entourage ay magka-caravan patungong Sorsogon.

Noong nakaraang taon, ang Tour ay 15-stage, 18-days race.

ANG BAGUIO

ANG BITUKANG MANOK

BAGUIO

BAGUIO STAGE

BURNHAM PARK

DAET

DALTON PASS

LA UNION

MARCOS HIGHWAY

STAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with