Ito ang ikatlong season ng FedEx sa Philippine Basketball Association at tat-long dating RP squad members ang babalikat sa FedEx.
Ito ay sina Jean Marc Pingris, Ranidel de Ocampo at Wesley Gonzales, na hindi lamang magbibigay ng bilis at liksi sa team kundi pati na rin ng ceiling at fire-power na kanilang magagamit para sa kanilang kampanya sa Fiesta Conference na magsisimula sa Pebrero 22 sa Araneta Coliseum.
Ang tatlong ito ay naging matagumpay sa amateur ranks. Si Pingris ay nanalo ng championship kasama ang Welcoat sa PBL, si De Ocampo ay may ilang titulo na rin sa St. Francis of Assisi at si Gonza-les ay kasama sa nagkampeong Ateneo sa UAAP at Pioneer Insurance sa PBL.
Ngunit may nagsasabing ang FedEx ay team pa rin ni Vergel Meneses. Naka-depende pa rin sa kanya kung hanggang saan ang mararating ng koponan.
Ang 1995 MVP awardee ang nanguna sa FedEx noong nakaraang season, nang kanyang pangunahan ang team sa scoring (15.9 ppg) at assists katulong si Egay Billones (3 apg) para higitan ang 14-19 win-loss showing noong 2002 sa kanilang 20-22 nitong 2003.
Kung magiging consistent sina Ren-ren Ritualo at Roger Yap sa offensive, at maging matinik sina Billones at Wynne Arboleda at maging agresibo sa paint sina John Ferriols at Omanzie Rodriguez, posibleng magkampeon ang FedEx.
Matatagalan pa bago makabalik si Jerry Codiñera dahil kagagaling lamang nito sa colon surgery na dahilan ng pag-kabawas nito ng 30 pounds.
Makakasama ng FedEx si dating Au-burn University standout Alvin Jefferson bilang import. Ayon kay team manager Lito Alvarez, "Actually, he's more of a defensive player. Pero marami naman kaming offensive player, that's why we opted to get Jefferson."