PBA Preview: Ginebra isa sa title contender
January 30, 2004 | 12:00am
Isa sa mga dapat bantayang koponan ang Baran-gay Ginebra sa pagbubukas ng 2004 season ng Philippine Basketball Association wars.
Ang koponang nabigong makarating sa semifinals sa tatlong tournaments noong nakaraang taon ay isa nang title contender ngayon.
Umaasa si coach Allan Caidic at ang kanyang Gin Kings na makakabalikwas sa tulong ng mga bagong kuhang players sa nalalapit na Fiesta Conference na magbubukas sa Pebrero 22 sa Araneta Coliseum.
Isa ang Ginebra sa koponang naging abala sa pakikipagnegosasyon para palakasin ang kanilang koponan.
Mayroong dalawang rookies ang Ginebra at kinuha pa ni Caidic sa free agent pool sina Migs Noble at Noynoy Falcasantos at ibinalik pa nila si Jayjay Helterbrand.
Bukod pa rito, nasilo nila si Andy Seigle at Rodney Santos mula sa Purefoods kapalit ni Jun Limpot.
Sa pagpasok ng mga players na ito, naging balanse ang team ni Caidic. "Hindi balance ang team last year. Dati ang backups namin mostly mga bata, hindi experienced. Kaya pag binunot mo na ang starters, nagbabago ang takbo,," paliwanag niya.
"Banatan sa loob ng court. Nobody can take things easy now, knowing theres somebody waiting in line to play the spot. Very competitive sa practice pa lang. Everybodys working hard. Were focused on the work ahead. We feel its our time to make a statement," dagdag pa ni Caidic.
Nawala sa team sina Chester Tolomia, Rob Johnson, Gilbert Malabanan at Elmer Lago habang naiwan naman sina Eric Menk, Mark Caguioa, Rommel Adducul, Sunday Salvacion, Aris Dimaunahan, Alex Crisano at Banjo Calpito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended