^

PSN Palaro

Pingris,De Ocampo pumirma na

-
Nagkasundo na rin ang mga rookies na sina Jean Marc Pingris at Ranidel de Ocampo sa FedEx Express at naiselyo ang tatlo at kalahating taong kontrata na kumumpleto sa 12-man roster ng Express.

Si Pingris, 3rd overall pick sa amateur draft noong Enero 9, ay ta-tanggap ng P8.5 million habang si De Ocampo na No. 4 naman ay may kabuuang P9.8 million na kontrata.

Nilinaw naman ni FedEx Express team manager Lito Alvarez, na pangulo din ng Air21, na ang pinal na pag-aanalisa sa kanilang mga baguhan ay parehas lamang at nagkakaiba lamang sa mga bonus na kanilang matatanggap.

Halimbawa, si Pingris, ay may performance-based escalation clause sa kanyang kontrata na nagsasaad na kapag ito ay nakasama sa top 30 player ng PBA sa kanyang unang taon at top 20 sa kanyang ikatlong taon, ang kanyang suweldo ay tataas sa P225,000 kada buwan sa ikalawang taon at maximum na P350,000 sa pinal na taon.

Mas mataas ang kay De Ocampo dahil mataas din ang antas na ibinigay sa kanya. Kailangang makasama siya sa top 15 sa ikalawang taon at top 20 naman sa ikatlo.

Samantala, dumating na ang import ng Express na si Alvin Jefferson ng pamosong Globetrotters sa bansa upang makagamayan ang istilo ng FedEx sa paglalaro nito sa PBA Fiesta Cup sa Pebrero 22. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ALVIN JEFFERSON

DE OCAMPO

DINA MARIE VILLENA

ENERO

FIESTA CUP

HALIMBAWA

JEAN MARC PINGRIS

KAILANGANG

LITO ALVAREZ

SI PINGRIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with