Anim na Welcoat players, sa pangunguna ni high-leaping Jojo Tangkay ang kanilang sa mga frontrunners na umaasam sa pina-kamataas na individual award habang ang Fash naman ay may 3 players sa magic 10 circle at ang Sunkist ay may isa.
Galing sa kanyang solidong all-around performance, ang 28 anyos na si Tangkay ay may nakulektang kabuuang 668 statistical points matapos ang semis, 14 puntos na abante sa kakamping si James Yap.
Si Ervin Sotto, ang 67 sentro ng Welcoat ay nasa ikatlong puwesto na may 624 kasunod sina Allan Salangsang (606) at ang sentimental favorite na si Peter June Simon (579). Ang defesive specialist naman ng Welcoat na si Willie Wilson ay ika-anim (554).
Nasa mainit pa ring kontensiyon si Rich Alvarez ng Fash na nasa 7th sa kanyang naipon na 551 puntos.
Bagamat hindi nakalaro sa huling semis game ng kanyang koponan, si Simon pa rin ang top scorer sa kanyang 280 o average na 16. 47 point per game para kilalaning mist consistent player ng kumpe-rensiya.
At sa kabuuan kasama sa top 10 sina Sunkists top gun Alex Compton (543), Welcoats center Marc Pingris (515) at Paul Artadi (513).
Wala pa rito ang players at media voters kung saan magsisimula ang botohan sa Game One sa Huwebes sa Makati Coliseum at ihahayag ang mga nagwagi sa Game three na nakatakda naman sa Martes ng susunod na linggo sa Pasig Sports Center.