^

PSN Palaro

PBA referee di binigyan ng tsansa

-
Nagdesisyon ang Board of Governors ng Philippine Basketball Association na hindi na nila pagbibigyan pa ang beteranong referee na si Ogie Bernarte.

Pinal na ang desisyon ng board na hindi na nila irehire si Bernarte tulad ng nakasaad ng kanilang liham sa beteranong referee noong Enero 15.

Hiniling ni Bernarte, 10-taong nag-officiate sa PBA, na ire-consider ng PBA Board ang kanilang desisyon ngunit negatibo ang kanyang nakuhang resulta.

"Wala naman akong magagawa kung ayaw na nila sa akin. Wala naman akong laban sa kanila," wika ni Bernarte na napilitang makiusap na muli siyang tanggapin ng PBA dahil may cancer ang kanyang asawa.

Ayon sa PBA, sinibak si Bernarte dahil hindi ito pumasa sa kanilang quali-fications base sa kanyang performance noong nakaraang taon.(Ulat ni CVOchoa)

AYON

BERNARTE

BOARD OF GOVERNORS

ENERO

HINILING

NAGDESISYON

OGIE BERNARTE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PINAL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with