Pinatunayan lamang ni Reyes ang pagkilala sa kanya bilang " The Greatest Pool Player" of all time nang halos palipat-lipat lang ito sa paglahok mula sa one pocket division hanggang sa 9-ball com-petition.
At bunga marahil ng kapaguran sa paglalaro sa dalawang magkaibang istilo, bumigay si Reyes kay Rafl Souquet sa 9-ball competition upang ma-pagwagian ng German ace ang 9-ball championship, 7-2, 7-2.
Bunga ng kanyang One Pocket title at second placer sa 9-Ball cham-pionships, naitatak din sa Pinoy ace ang titulong "Master of the Table" at premyong $20,000. Dagdag pa ang $9,000 sa one pocket championship at runner-up na premyo sa 9-ball, si Reyes ay nakalikom ng kabuuang $35,000.
Ngunit nasusukat ang tunay na kahalagahan ng performance ni Reyes sa kanyang kompetisyon kontra sa may 303 players sa one pocket division kung saan isang beses lamang ito natalo.
Sa pagitan ng kanyang one pocket matches, lilipat naman sa 9-ball table si Reyes kung saan may 100 cue artists ang kasali. (Ulat ni Dina M Villena)