^

PSN Palaro

Efren "Bata" Reyes, ibinulsa ang titulong All-Around Championship

-
Nagpamalas ng husay at gumamit ng mahika, nakopo ni Efren "Bata" Reyes ang titulo sa $20,000 All-Around Championship ng 2004 Derby City Classic na ginanap sa Executive West Hotel sa Louisville, Kentucky.

Pinatunayan lamang ni Reyes ang pagkilala sa kanya bilang " The Greatest Pool Player" of all time nang halos palipat-lipat lang ito sa paglahok mula sa one pocket division hanggang sa 9-ball com-petition.

At bunga marahil ng kapaguran sa paglalaro sa dalawang magkaibang istilo, bumigay si Reyes kay Rafl Souquet sa 9-ball competition upang ma-pagwagian ng German ace ang 9-ball championship, 7-2, 7-2.

Bunga ng kanyang One Pocket title at second placer sa 9-Ball cham-pionships, naitatak din sa Pinoy ace ang titulong "Master of the Table" at premyong $20,000. Dagdag pa ang $9,000 sa one pocket championship at runner-up na premyo sa 9-ball, si Reyes ay nakalikom ng kabuuang $35,000.

Ngunit nasusukat ang tunay na kahalagahan ng performance ni Reyes sa kanyang kompetisyon kontra sa may 303 players sa one pocket division kung saan isang beses lamang ito natalo.

Sa pagitan ng kanyang one pocket matches, lilipat naman sa 9-ball table si Reyes kung saan may 100 cue artists ang kasali. (Ulat ni Dina M Villena)

ALL-AROUND CHAMPIONSHIP

BALL

DERBY CITY CLASSIC

DINA M VILLENA

EXECUTIVE WEST HOTEL

GREATEST POOL PLAYER

MASTER OF THE TABLE

ONE POCKET

RAFL SOUQUET

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with