^

PSN Palaro

Ika-5 titulo ng NCRAA title kuha ng St. Francis

-
Bagamat wala si Ervin Sotto, nagawang talunin ng St. Francis Assisi Doves ang Philippine School of Business Administration, 62-53 upang mapanatili ang men’s basketball title sa 11th National Capital Region (NCRAA) Championships sa Pasay Sports Complex.

Ang isang haligi ng St. Francis ‘twin towers’ na si Ranidel De Ocampo ay nagtala naman ng 16-puntos at tumapos ng krusyal na 11-3 second quarter run sa pamamagitan ng kanyang three-point play.

Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa Doves na itala ang 30-18 kalamangan tungo sa kanilang ikaapat na sunod na NCRAA crown at ikaanim sa overall matapos itala ang 37-25 advantage.

Nanguna si Al Vergara sa kanyang 19-puntos para iselyo ang best-of-three final series sa 2-0.

Sa junior finals, nag-ambag naman si Jerico Puno ng 29-puntos kabilang ang dalawang malalaking basket sa huling 15.3 segundo ng labanan na nagdala sa defending champion San Lorenzo sa 87-80 overtime win kontra sa San Sebastian College of Cavite na nagtabla ng kanilang finals series sa 1-all.

Ipinuwersa ng La Salle-Manila ang decisive Game-Three sa women’s side sa pamamagitan ng 62-59 panalo sa Lyceum.

Tinanghal na MVP sa ikatlong sunod na pagkakataon si De Ocampo at kasama nito sa Mythical Five sina Al Vergara, Jonathan Tarronas at Al Federiso ng PSBA at Lawrence Bonus ng St. Francis.

AL FEDERISO

AL VERGARA

DE OCAMPO

ERVIN SOTTO

JERICO PUNO

JONATHAN TARRONAS

LA SALLE-MANILA

LAWRENCE BONUS

MYTHICAL FIVE

ST. FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with