^

PSN Palaro

Sa imports na lang susugal ang Realtors at Gin Kings

-
Hindi na susugal ang Sta. Lucia Realty at Barangay Ginebra sa mga bagong pangalan imbes ay sasandal na lamang sila sa mga nasubukan ng import para palakasin ang kanilang kampanya sa PBA Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22.

Kumbinsido na ang Realtors na kunin ang serbisyo ng dating Red Bull import na si Antonio Lang habang ang Gin Kings naman ay nakipagkasundo na sa dating FedEx import na si Jermaine Walker.

Isang dating manlalaro ng Duke University, ang 6’7 na si Lang ay naglaro ng dalawang kumperensiya Barakos. Pinamunuan nito ang first championship ng Red Bull may tatlong taon na ang nakakalipas ngunit pinalitan sa Finals sa nakalipas na dalawang taon. Naging bahagi din si Lang ng Duke squad na nag-back-to-back champion sa NCAA. Naging miyembro din ito ng ACC Team Third noong 1993-94.

Sa kabilang dako naman ang 6’6 na si Walker na kilalang slam dunk artist ay naglaro ng college ball sa University of Miami. Noong 1997 pinapirma ito ng Juve Caserta sa Italy ngunit pinakawalan din noong Disyembre. Sa sumunod na season, 1998-99, pumirma ito sa CBA sa LaCrosse Bobcats ngunit pagkaraan ng apat na laro ay pinakawalan din.

Sa kabilang dako naman, pumirma na si Miguel Noble sa Barangay Ginebra na pinakawalan ng Alaska Aces nang walang kondisyon. Makakasama din ng Gin Kings ang dating Purefoods na si Rodney Santos.(Ulat ni ACZ)

ALASKA ACES

ANTONIO LANG

BARANGAY GINEBRA

DUKE UNIVERSITY

FIESTA CUP

GIN KINGS

JERMAINE WALKER

JUVE CASERTA

LUCIA REALTY

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with