Fash taob; Welcoat panalo

Ipinasok ni Ronald Pascual ang isang lay-up sa huling 0.6 sgundo ng labanan upang ihatid ang Blu Star Detergent sa 70-68 panalo kontra sa Fash Liquid Deterget sa no bearing na semifinal match ng PBA Platinum Cup sa Pasig Sports Center kahapon.

Bagamat talsik na sa kontensiyon ang Detergent King, isang malaking panalo ito dahil napigilan nila ang seven-game winning streak ng Liquid Powers.

Umangat ang Blu Star sa 9-8 karta habang bumagsak naman ang Fash sa 11-7 record ngunit tuloy pa rin ang kanilang titular showdown laban sa Welcoat na nagtala naman ng 74-62 panalo kontra sa Sunkist-UST sa ikalawang laro.

Show comments