Isang bagong format, pagbabago sa schedule at bagong TV coveror ang nagsama-sama para muling mapalakas ito.
At dagdag pa dito ang suporta ng bagong league chairman na si Buddy Encarnado para makumpleto ang formula.
Matapos ang bagyong dumaan, inaasahan ni Philippine Basketball Association Commissioner Noli Eala na sisikat na ang araw sa kanya at sa liga sa kabuuan.
Isang bagong format, pagbabago sa schedule at bagong TV coveror ang nagsama-sama para muling mapalakas ito.
At dagdag pa dito ang suporta ng bagong league chairman na si Buddy Encarnado para makumpleto ang formula.
"This being the year of the monkey, we hope the monkey to be off our backs. Were looking forward to a controversy-free season and is positive for the league to be able to bounce back," anang optimitiskong si Eala, na kasama si Encarnado na dumalo sa PSA Forum sa Manila Pavilion.
Ang mga kotrobersiya sa droga, Fil-Ams, playing venues ang ilan sa naging malaking balakid sa unang taon ni Eala bilang commissioner ng PBA. Ngunit lahat ng ito ay tinanggap niya bilang pagsubok sa kanyang kakayahan.
" I learned the intricacies of the PBA, and at the same time, was able to plant a lot of seeds, not exactly new ones, but rather a change in attidute and character. "Now I may say, that were ready to harvest those seeds," dagdag ni Eala sa forum na itinataguyod ng Red Bull at Agfa Colors.