Bowling hiling na ibilang sa Olympics
January 20, 2004 | 12:00am
Ang sunod-sunod na tagumpay ng Filipino bowlers sa global stage ay muling naghimok na ibilang ang sports sa kalendaryo ng Olympic Games, may 16 taon na ang nakaraan nang makopo ni Arianne Cerdeña ang gintong medalya nang unang ipakilala ang bowling bilang demonstration sports noong 1988 Seoul Games.
Ngunit ayon kay Philippine Bowling Congress head Steve Hontiveros na siya ring pangulo ng International Bowling Federation, na mahirap sa ngayon na i-lobby ang bowling lalot sumisingasing ang mga Pinoy. Mas gusto ni Hontiveros na dalhin muna ito sa lahat ng bowling groups at pag-isahin ito sa ilalim ng World FIQ.
"At the moment, the thrust of Steves presidency is to unify all bowling groups under the World FIQ because in the past, its politics-ridden," ani Danny Santos, acting secretary-general ng World FIQ. "Then, we will pick it up from there."
Kabilang din ito sa nalalapit na pakikipagpulong ni Hontiveros sa pangulo ng International Committee president na si Dr. Jacques Rogge sa Lausanne, Swit-zerland. Sa kanyang kapasidad bilang FIQ president, si Hontiveros ay naimbitahan ng Association of Recog-nized Sports Federations sa pagpupulong sa susunod na buwan kung saan ipapakilala siya kay Rogge.
"Hopefully, we will take it one step at a time and do some exploratory talks because it is still too early to push for the inclusion of bowling," ani Hontiveros.
Ayon sa batas ng IOC, walang bagong sports ang ipapakilala matapos ang sydney Games noong 2000, kung saan nabalewala ang kampanya ng bowling, wushu, dance sports at billiards, kung saan malakas ang Pinoy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended