^

PSN Palaro

Si Marquez ang makakalaban ni Pacquiao

-
Mas malaki ang tsansa na si Juan Manuel Marquez ng Mexico ang makakasagupa ni Manny Pacquiao, at hindi sina Paulie Ayala at Oscar Larios. Ito ang ipinahayag ng HBO.

Sinabi kahapon ni Rod Nazario, business manager ni Pacquiao, sa inaabang-abangang pagbabalik sa lonang parisukat ni Pacquiao sa 2004.

Si Marquez ay ang kampeon sa World Boxing Association at Inter-national Boxing Federation (IBF) featherweight division kung kaya’t siya ang tinatarget ng HBO na makarambulan ni Pacquiao.

"Siyempre mas attractive kapag si Marquez dahil nga maganda ang record niya at hawak niya ang dalawang titulo," wika ni Nazario.

Bagamat si Marquez ang napipisil ng HBO, maganda rin kung si Ayala o kaya ay si Larios ang ipares nila kay Pacquiao.

Si Ayala ay kilalang-kilala pa rin sa Amerika dahil nga sa mga laban niya kina Johnny Tapia at Erik Morales.

Si Larios naman ay maganda ring ilaban dahil sa hawak naman niya ang World Boxing Council superbantamweight title. Ayon sa WBC na naka-base sa Mexico City, papayagan nila si Larios na lumaban kay Pacquiao dahil malayo pa naman ang susunod na mandatory defense ng kampeon.

Naging bukambibig ang pangalan ni Pacquiao nang kanyang pasiklaban ang mga Mexicano sa Alamodome sa San Antonio, Texas, noong Nobyembre 2003.

Nilamog ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera sa loob ng 11 rounds upang makuha ang titu-long People’s Champion sa featherweight category.

Maging ang Ring magazine ay kumilala sa ipinamalas ni Pacquiao sa kanilang pag-rating kay Pacquiao bilang No. 6 sa buong mundo sa Pound for Pound list, at No. 1 naman sa featherweight division.

BOXING FEDERATION

ERIK MORALES

JOHNNY TAPIA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LARIOS

MARCO ANTONIO BARRERA

MARQUEZ

MEXICO CITY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with