Pressured si Gregorio
January 19, 2004 | 12:00am
Matapos ang isang taong paghihinagpis, malamang na makabawi na si coach Paul Ryan Gregorio at ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa darating na season ng Philippine Basketball Association.
Abay matindi ang naging build-up ng Purefoods at ang Hotdogs ang may pinakamaraming bagong manlalaro sa line-up nito.
Na siyang dapat! Kasi nga, kung sumadsad na sa ilalim ang isang koponan, abay may diperensya na talaga ang line-up nito at kinakailangang baguhin. Ika ngay panahon na rin para magsagawa ng build-up ang Hotdogs at paghandaan ang kinabukasan nito.
Bale anim na bagong mukha ang ipaparada ng Purefoods sa Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22.
Ang unang transaksiyon na kinumpleto ng Purefoods ay ang pagpapapirma sa free agent na si Peter June Simon, isang shooter buhat sa Fash Liquid na malamang na pumasok sa Finals ng Philippine Basketball League (PBL) Platinum Cup.
Isinunod ng Purefoods ang malaking trade na kung saan ipinamigay nito si Andrew John Seigle sa Barangay Ginebra kapalit ni Zandro Limpot, Jr.
Pagkatapos ay ipinamigay din ng Purefoods si Billy Mamaril sa Shell Velocity kapalit ni Eddie Laure at ng seventh pick overall sa nakaraang 2004 PBA Draft na ginanap noong Biyernes sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
At sa Draft ay kumuha ng tatlong players si Gregorio na lahat ay swak sa pusisyong nais niyang punan. Pinili niya bilang No. 2 si James Yap, No. 7 si Ervin Sotto at No. 11 si Paul Artadi. Si Yap ay tinaguriang pinakamahusay na slasher/shooter sa mga aplikante. Si Sotto ay isang lehitimong sentro samantalang si Artadi ay isang lehitimong point guard na siyang talagang kailangan ng Hotdogs. Bale magkakasamang muli sina Yap at Artadi na magkakampi sa University of the East sa UAAP at sa Welcoat House Paints sa PBL.
Sa kabuuan ay may walong carryovers ang Hotdogs buhat sa line-up nito noong isang taon. Pumirma ng extension ang defense specialist na si Rey Evagelista na muling makakasama nina Alvin Patrimonio, Kerby Raymundo, Noy Castillo, Boyet Fernandez, Richard Yee, Gilbert Demape at Rodney Santos.
Dalawa sa walong manlalarong ito ang malamang na mailagay sa reserved list ng Hotdogs sa nalalapit na pagbubukas ng Fiesta Cup sa Pebrero.
Tiyak na mas mabigat ang pressure na mararamdaman ni Gregorio ngayon kaysa sa mga nagdaang conferences dahil sa kumpletong-kumpleto ang kanyang line-up at wala na siyang dahilan para matalo.
Pero ngingitingiti lang siGregorio. Alam niyang makakabawi na siya!
Belated birthday greetings sa aking kumareng si Marivic Garciano na nagdiwang noong Sabado, Enero 17. Welcome to the Christian world naman kay Gabriel Alfonso, anak nina Arlan at Caroline Alfonso na bininyagan noong Sabado. Greetings na rin kay Yani Magno.
Abay matindi ang naging build-up ng Purefoods at ang Hotdogs ang may pinakamaraming bagong manlalaro sa line-up nito.
Na siyang dapat! Kasi nga, kung sumadsad na sa ilalim ang isang koponan, abay may diperensya na talaga ang line-up nito at kinakailangang baguhin. Ika ngay panahon na rin para magsagawa ng build-up ang Hotdogs at paghandaan ang kinabukasan nito.
Bale anim na bagong mukha ang ipaparada ng Purefoods sa Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22.
Ang unang transaksiyon na kinumpleto ng Purefoods ay ang pagpapapirma sa free agent na si Peter June Simon, isang shooter buhat sa Fash Liquid na malamang na pumasok sa Finals ng Philippine Basketball League (PBL) Platinum Cup.
Isinunod ng Purefoods ang malaking trade na kung saan ipinamigay nito si Andrew John Seigle sa Barangay Ginebra kapalit ni Zandro Limpot, Jr.
Pagkatapos ay ipinamigay din ng Purefoods si Billy Mamaril sa Shell Velocity kapalit ni Eddie Laure at ng seventh pick overall sa nakaraang 2004 PBA Draft na ginanap noong Biyernes sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
At sa Draft ay kumuha ng tatlong players si Gregorio na lahat ay swak sa pusisyong nais niyang punan. Pinili niya bilang No. 2 si James Yap, No. 7 si Ervin Sotto at No. 11 si Paul Artadi. Si Yap ay tinaguriang pinakamahusay na slasher/shooter sa mga aplikante. Si Sotto ay isang lehitimong sentro samantalang si Artadi ay isang lehitimong point guard na siyang talagang kailangan ng Hotdogs. Bale magkakasamang muli sina Yap at Artadi na magkakampi sa University of the East sa UAAP at sa Welcoat House Paints sa PBL.
Sa kabuuan ay may walong carryovers ang Hotdogs buhat sa line-up nito noong isang taon. Pumirma ng extension ang defense specialist na si Rey Evagelista na muling makakasama nina Alvin Patrimonio, Kerby Raymundo, Noy Castillo, Boyet Fernandez, Richard Yee, Gilbert Demape at Rodney Santos.
Dalawa sa walong manlalarong ito ang malamang na mailagay sa reserved list ng Hotdogs sa nalalapit na pagbubukas ng Fiesta Cup sa Pebrero.
Tiyak na mas mabigat ang pressure na mararamdaman ni Gregorio ngayon kaysa sa mga nagdaang conferences dahil sa kumpletong-kumpleto ang kanyang line-up at wala na siyang dahilan para matalo.
Pero ngingitingiti lang siGregorio. Alam niyang makakabawi na siya!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended