P14-M kontrata kay Ildefonso

Tatagal pa si Danny Ildefonso sa bakuran ng San Miguel matapos itong pumirma ng panibagong kontrata sa San Miguel.

Nilagdaan ng two-time MVP na si Ildefonso ang tatlo at kalahating taong kontrata na nagkakahalaga ng P14.7 milyon.

Si Ildefonso ay tatanggap ng maximum salary na P350,000 hanggang sa June 2007.

Binigyan na rin ng San Miguel na kumuha kay Dale Singson sa isang three-way trade, si Boybits Victoria ng kalayaang maghanap ng ibang koponan.

Si Victoria kasama ang dalawa pa, sina Bryan Gahol at Joey Mente, ang di pa nakakapirma ng panibagong kontrata sa Beermen.

Masikip na ang guard position ng Beermen kaya’t pinagayan nila si Victoria na maghanap ng ibang team.

Bukod kina Victoria at Singson, nandiyan pa si Olsen Racela at mayroon pang Anton Villoria sa reserved list.

Gayunpaman, handa pa rin ang Beermen na bigyan si Victoria ng panibagong kontrata kung hindi ito makakahanap ng team. (CVOchoa)

Show comments