Pinoy bowlers naghari sa Aviva Asian Bowlfest
January 19, 2004 | 12:00am
SINGAPORE -- Namintini ni Liza del Rosario ang mahusay na perfor-mance sa international bowling stage nang patalsikin niya si defending champion Shalin Zulkifli ng Malaysia at magreyna sa Aviva Asian Bowling Tours Grand slam finals sa punum-punong National Service Resort and Country Club dito kahapon.
Nakumpleto ang pagwawalis ng Pinoy nang angkinin naman ni Purvis Granger, ang American mentor ng RP bowling squad na umani ng maraming tagumpay noong nakaraang taon kabilang na ang World Cup ni CJ Surarez sa Honduras, nang daigin niya naman ang Chinese na si Wu Siu Hong sa mens final para naman makopo ang korona sa kalalakihan.
Ang 26 anyos na si Del Rosario, ang 2003 Bowling of the Year awardee, na nakipagtambalan kina Cecile Yap at Liza Clutario nang masungkit ng RP womens team ang gold medal sa World FIQ Championships na kauna-unahang Asyanong gumawa, ay nanaig kay Zulkifli sa pamamagitan ng strike sa 10th at last frame sa kanilang gitgi-tang labanan, 187-181.
Sa kabilang dako naman ang 39 anyos na coach na naglagi sa bansa sa loob ng apat na taon upang tulungan si coach Johnson Cheng na gabayan ang national pool sa pagiging world class bowlers, ay naging kauna-unahang back-to-back champion ng event nang gapiin si Hong ng Hong Kong, 191-144.
"The pressure was really too much in the final frame where I knew I needed a spare to win. But I kept my focus and put all behind my shot. Thank God for that strike," ani Del Rosario na ibinulsa ang halagang $10,000 at ikaapat na finals appearance sa nabanggit na torneo.
Nag-uwi naman ng $20,000 si Granger na unang nanaig kay Biboy Rivera, 189-144 sa kanilang engkuwentro sa semis.
Kailangan ni Zulkifli ang isang strike para maagaw ang panalo kay Del Rosario ngunit spare lamang ang nakayanan nito habang ang Pinay naman ay spare lamang ang kailangan ay nabigyan naman ng isang malaking strike para ideretso ang panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest