^

PSN Palaro

Granger vs Rivera sa finalas sa Aviva Asian Bowling Tour

-
SINGAPORE -- Itinakda nina American Purvis Granger at Biboy Rivera ang teacher-versus-student match-up sa Aviva Asian Bowling Tour’s Grand Slam semifinals matapos ang magkahiwalay na panalo noong Sabado sa National Service Resort and Country Club dito.

Ang 39-gulang na si Granger na tumulong ng apat na taon kay national coach Johnson Cheng sa paghubog sa mga national bowlers na kinabibilangan ni Rivera, ay naging matatag sa paggupo kay Australian Andrew Frawley, 232-223.

Pinanatili naman ng 29-gulang na si Rivera ang kanyang composure para magtala ng come-from-behind na panao laban kay Lee Sung II ng Korea, 178-161.

Bagamat hindi inaasahan ng RP Team ang match-up na ito, sinabi ni Cheng, "at least we’re guaranteed of getting somebody in the finals."

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban si Liza del Rosario kay Wendy Chai ng Malaysia na tangka ang semifinals berth at tsansa na mapanood ng live sa ESPN sa alas-2:30 ng hapon sa Linggo.

Si Granger ay buhat sa Louisiana ngunit dinala ni Cheng sa Pilipinas para makatulong nito sa pagti-train sa mga Pinoy bowlers kaya’t kinokonsidera na itong bahagi ng pamilya ng RP bowling.

Gumanap ng mahalagang papel sina Cheng at Granger sa tagumpay ng RP bowling noong 2003 kabilang ang panalo ni CJ Suarez sa World Cup at sa trios titles nina del Rosario, Cecilia Yap at Lisa Clutario sa World Championships.

AMERICAN PURVIS GRANGER

AUSTRALIAN ANDREW FRAWLEY

AVIVA ASIAN BOWLING TOUR

BIBOY RIVERA

CECILIA YAP

GRAND SLAM

JOHNSON CHENG

LEE SUNG

LISA CLUTARIO

NATIONAL SERVICE RESORT AND COUNTRY CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with