Sino ang number 1 pick?
January 16, 2004 | 12:00am
Mabibigyan na ngayong alas-6:00 ng gabi ng kasagutan ang tanong ng marami: Sino ang top pick ng Annual Draft ng PBA na gaganapin sa Activity Center ng Glorietta Mall sa Makati.
Ang mga kandidato para sa No. 1 pick ay sina UAAP MVP James Yap, Ranidel de Ocampo at Rich Alvarez ngunit posibleng wala rin sa tatlong ito ang mapipili.
Hawak ng Shell Turbo Chargers ang top pick ngunit posible ring hindi ang Turbo Chargers ang unang pipili.
Inaasahang magka-karoon ng malalaking trade sa araw na ito dahil hanggang ngayon ay di pa tukoy kung sino ang No. 1 pick di gaya ng mga nagdaang taon kung saan alam na kung sino ang top pick maging ang No. 2 at No. 3.
Maaring i-trade ng Shell ang kanilang pick at posibleng masangkot ang Alaska at Red Bull sa draft day deals. Handa rin ang San Miguel na i-trade ang kanilang first round pick.
Ikalawang pipili ang Purefoods na ang puntirya ay si Yap kasunod ang FedEx na may tatlong first round pick. Nakuha nila ang No. 4 pick ng Ginebra at ang No. 9 pick ng Talk N Text.
Ikalimang pipili ang Alaska, ikaanim ang Red Bull, ikapito ang Sta. Lucia, ikawalo ang San Miguel at ika-10 ang Coca-Cola. Ngunit mababago ang mga ito kung magkakaroon ng trade ng draft picks bago magsimula ang proseso ng drafting ngayon. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended