Thailander bagsak kay Brin
January 14, 2004 | 12:00am
PUERTO PRINCESA, Palawan--Sumandal sa kanyang karanasan si Romeo Brin upang pabagsakin ang SEA Games champion na si Manus Boonjumnong ng Thailand sa harap ng nagbubunying manonood na siyang pinakamalaking upset sa unang araw ng kompetisyon na nagbukas ng daan para sa kanya sa Olympic Games na gaganapin sa Athens, Greece.
Kapalit ng orihinal na entry na si Mark Jason Melligen, na back-out dahil sa mataas na lagnat, isang nakakagulat na 17-7 tagumpay ang ipinoste ng 30 anyos na si Brin upang makausad sa quarterfinals ng 22nd Asian Olympic Qualifying tournament na inorganisa nina Palawan Gov. Joel Reyes, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at boxing chief Manny Lopez.
Si Boonjumnong, na siyang dumaig kay Melligen sa finals ng Vietnam SEA Games para sa light welterweight gold, ay hilong-talilong at hindi alam kung ano ang dumapo sa kanya sa inaakalang si Melligen pa rin ang kanyang kalaban.
Hawak nito ang first round ng umatake ang two-time Olympian na Pinoy sa huling tatlong rounds sa pamamagitan ng solidong one-two combination na yumanig sa mas matangkad na Thai, isa sa apat na SEAG gold medalist na lumalaro dito.
Ngunit higit na mas malakas si Brin, coach ng Puerto Princesa squad, sa ikalawang round, nang magpakawala ito ng malakas na right hooks na siyang nagpatulala sa kalaban.
"Nung tumama na ako sa second round, dun na nawala "yung kumpiyansa niya," ani Brin, na ang huling torneong sinalihan ay ang 2002 Busan Asian Games. "Pero hindi rin siya basta-basta, malakas din. Medyo nabingi nga ako nung tinamaan ako sa tenga."
Nauna rito, iginupo ni Navyman Junard Ladon si Jassim Meshall sa pamamagitan ng RSC-I sa ikatlong round ngunit hindi naman naging ma-suwerte si Maraon Golez na yumuko kay Nodir Gulanov ng Uzbekistan 16-5 decision.(Ulat ni Joey Villar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended